ANG AKING REPLEKSYON: "Nambabae ang Asawa ko, dapat ba akong magalit din sa Nanay niya?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

avatar
(Edited)

Maliga at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang magandang pagbati sa ating lahat dito sa napakagandang komunidad na nagbibigay karagdagang kaalaman at aral patungkol sa Dios at labis ang aking pasasalamat sa Dios dito dahil marami talaga akong natutunan na magagamit ko sa aking pananampalataya sa Dios at sa aking pang araw-araw na pamumuhay.

Sa post ko nga ngayon ay ibabahagi ko ang aking panibagong repleksyon o mga natutunan sa isang pag-aaral tungkol sa mag-aasawa o pag-aasawa at malaking bagay talaga ito dahil nga sa hindi katagalan ay darating din ako sa estadong meron nang asawa at pamilya, at isa nga ito sa mga magagandang dapat pag-aralan lalong lalo na at merong salita ng Dios na siyang dapat maging sentro sa lahat. Ang topic nga na pagbibigyan ko ng repleksyon ay may titolong, "Nambabae ang Asawa ko, dapat ba akong magalit din sa Nanay niya?"

1.png

Habang nandito pa tayo sa mundong ito at nasa katawang lupa pa tayo ay nakakagawa talaga tayo ng mga mali at natutukso. Dahil nga sa ang topic natin ngayon ay patungkol sa mag-asawa, at meron mga pagkakataon na makakagawa ng hindi maganda sa kanyang asawa tulad na lamang nang nabanggit na pambabae, talaga namang nangyayari ito sa ating lipunan ngayon at sa tanong na nabanggit kung sakaling mangyayari ito, dapat din bang magalit tayo sa nanay niya? Ang sagut dito ay talagang hindi, dahil kung ano man ang nagawa ng anak ay walang kasalanan ang ina dito dahil magkaiba silang pagkatao at ibang pag-iisip.

Ezekiel 18:20 β€œAng nagkasala ang dapat mamatay. Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan.”

Kung ating pag-aralang mabuti ang salita ng Dios, kung tayo ay nagkasala tayo dapat ang magbabayad nito at walang kahit na sino ang mapagpasahan ng sisi sa kasalanan kundi ang maygawa lang. Hindi maaring magdusa ang isang ina o ama sa kasalanang nagawa ng anak gayon din kung meron kasalanan ang ina o ama ay hindi dapat magdusa ang anak dahil meron tayong kanya-kanyang mga buhay, sa makatuwid tungkol sa tanong kung dapat bang magalit sa nanay kung nambabae ang asawa ay hindi dahil hindi pananagutan ng ina ang nagawang mali ng kanyang anak.

2.png

Bilang isang tao na nandito sa mundong ito na puno ng tukso at kasalanan, hinding hindi talaga natin maiiwasan ang makagawa ng mali lalong lalo na sa mag-asawa kapag wala tayong Dios sa ating puso at siyang sentro sa pag-aasawa. Ang tanging sulosyon lamang kapag mangyari ang mga ito ay ang pagpapatawad sa bawat isa.

Mateo 6:14-15 β€œSapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Dahil nga sa wala pa akong asawa kung kaya hindi ko pa gaano alam ang mga pangyayaring ito pero base sa mga nangyayari sa aking paligid na merong ganitong sitwasyon, hindi talaga maiiwas na makakagawa ang parehong lalake at babaeng mag-asawa pero ang tanging sagut lamang dito ay ang pagpapatawad sa isa't isa dahil bilang tao ay nakakagawa talaga tayo ng mga mali.

3.png

Ayon pa sa salita ng Dios na kung hindi tayo magpapatawad sa mga nagkasala sa atin ay hindi rin tayo patatawari ng Dios gayon din kung hindi tayo maghihingi ng tawad sa ating mga nagawang kasalanan. Kaya panatilihin natin sa ating mga puso at buong pagkatao ang pusomg mapagpatawad sa mga kasalanan na nagawa ng ating mga asawa o kahit na sino paman upang patawarin tayo ng Dios.

Ang huling masasabi ko at ang mga natutunan ko sa topic na ito ay talagang nakakatulong sa aking para sa paghahanda sa kinabukasan na pag-aasawa. Meron mang mga pagkakataon na makakagawa ako o kahit na ang aking asawa ng mali sa akin, pambabae man yan o kahit na ano pa man, ang tanging sagut lamang dito ay ang pagpapatawad sa isa't isa dahil ito rin ang utos ng Dios ayon sa kanyang salita upang tayo ay kanyang patawarin. Hindi rin dapat tayo magalit sa ina o kahit sa ama ng ating asawa na nagawa ng mali dahil hindi nila pananagutan ang mga maling nagawa ng ating mga asawa sa atin.

Hindi din natin iwala o kalimutan ang pagmamahal sa bawat isa at pagkakaroon ng pananampalataya sa Dios, at kailingan ma sentro ang Dios sa isa relasyon o sa isang pamilya upang maging maayos at mapaya ang pamumuhay bilang mag-asawa.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Nambabae ang Asawa ko, dapat ba akong magalit din sa Nanay niya?" at talagang marami akong natutunan sa lahat ng mga na discuss ni Bro. Eli, at salamat sa Dios sa lahat ng ito.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
1 comments
avatar

Maraming salamat @godlovermel25 sa napakagandang pagbabahagi mo tungkol sa iyong mga natutunan.

Tama ka, hindi tayo dapat magalit sa mga magulang ng isang tao kung nagawa niya ang mali. Lahat tayo ay may sariling responsibilidad sa ating mga gawa at mga kasalanan. Isa rin ang pagpapatawad sa mga mahahalagang aral na natutunan natin, dahil ito rin ang gusto ng Dios para sa atin.

Patuloy tayo na matuto at magpatuloy sa ating pananampalataya. Salamat sa Dios, hanggang sa muli! πŸ˜‡πŸ™

0
0
0.000